Home NATIONWIDE PBBM nagbigay ng P100M sa Ilocos Norte sa pananalasa ng Bagyong Julian

PBBM nagbigay ng P100M sa Ilocos Norte sa pananalasa ng Bagyong Julian

116
0

MANILA, Philippines – Itinurn-over ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mahigit P100 milyong tulong mula sa Office of the President sa Ilocos Norte local government unit, kasunod ng pananalasa ng Bagyong Julian.

Kasama ang iba pang opisyal ng pamahalaan, binisita ni Marcos ang probinsya para suriin ang mga pinsalang dulot ng masamang panahon.

Iginawad ang tseke mula sa Office of the President patungo kay Governor Matthew Manotoc.

Pinangunahan din ni Marcos ang pamamahagi ng cash assistance sa ilalim ng ‘Ayuda Para sa Kapos ang Kita’ (AKAP) program. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here