Home ENTERTAINMENT Coca, hindi kilala si direk Darryl!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Coca, hindi kilala si direk Darryl!January 30, 2025 15:16 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Pinalagan ng mga kakontemporaryo noon ni Pepsi Paloma ang reaksyon ni direk Darryl Yap.Sa isang pambihirang pagkakataon, nakuhang pagsama-samahin ni Julius Babao ang mga nakasabay noon ni Pepsi sa isang vlog interview.Ito’y sina Sarsi Emmanuelle, Coco Nicolas at Myra Manibog.They were collectively known as Softdrink Beauties na inilunsad ni Dr. Rey dela Cruz.Layunin ni Julius sa kanyang interbyu na makilala nang lubos si Pepsi mula sa punto de vista nina Sarsi, Coca at Myra.Kay Pepsi at ang umano’y panggagahasa sa kanya umiikot ang pelikula ni direk Darryl.May playdate na ito sa February at nasa proseso na ng pagpaparebyu sa MTRCB.Of the three, si Coca raw ang pinakamalapit kay Pepsi.But all three confirmed na hindi raw kasundo ni Pepsi ang kanyang mismong ina.Sa set ng mga pelikulang ginawa nila, tahimik at aloof daw si Pepsi na madalang makihalubilo sa kanila.Kinumpirma rin ni Sarsi na may suicidal tendencies ito, bagay na sinang-ayunan nina Coca at Myra.Kinakitaan din daw ito ng mga insecurities.Nakikipisan daw noon si Pepsi sa bahay ni Coca.Dumating daw ang panahong hindi na una sa billing ang pangalan ni Pepsi as seen in their movie posters.Hindi raw niya matanggap na naungusan na siya ni Sarsi gayong siya ang unang discovery ni Rey.Kung si direk Darryl ang tatanungin, sinabi niya sa isang interview na puro kasiraan lang naman daw ang mga pahayag ng tatlo.Nakakatawa nga si Coca sa pagturing sa direktor bilang “da who?”: “Sino ba si Darryl? Hindi ko siya kilala!”Nauunawaan naman ng marami kung bakit pinursige ni Julius na mainterbyu sina Sarsi, Coca at Myra.Let the public judge na lang! Ronnie Carrasco III