MANILA, Philippines- Nakumpiska ng mga pulis at mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang P9.7 milyong halaga ng shabu mula sa isang drug suspect sa Tacloban City nitong Miyerkules ng gabi.
Sinabi ng PDEA nitong Huwebes na ang suspek na si alyas Budoy, ay naaresto ng mga miyembro ng Tacloban City Police Station at ng PDEA-8 Tacloban City Office sa isang buy-bust sa Barangay 25, Magsaysay Boulevard bandang alas-10:22 ng gabi.
Nakuhanan ang suspek ng 1.43 kg. Ng shabu, isang 9mm pistol at magazine na may kargang apat na live ammunition.
Nakaditine ang suspek sa local police station at kakasuhan ng paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 (illegal possession of firearms and ammunition), at paglabag sa election gun ban. RNT/SA