MANILA, Philippines- Nakapagtala ang bulkang Kanlaon ng halos tripleng dagdag na sulfur dioxide emission nitong Miyerkules, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Batay sa 24-hour monitoring ng Phivolcs, nagbuga ang bulkan ng 4,068 tons ng sulfur dioxide, mas mataas sa 1,691 tons na ipinalabas nito ng nakaraang araw.
Nakapagtala rin ang state volcanologists ng siyam na volcanic earthquakes.
Nananatili ang nasabing bulkan sa ilalim ng Alert Level 3, nangangahuluhan ng magmatic unrest.
Pumutok ito noong December 9, 2024, naglabas ng usok na umabot sa 3,000 metro pataas.
Dahil dito, libo-libong residente ng iba’t ibang parte ng Negros Oriental at Negros Occidental ang lumikas. RNT/SA