Home ENTERTAINMENT Coco vs Ruru, round 3 na!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Coco vs Ruru, round 3 na!January 23, 2025 16:14 FacebookTwitterPinterestWhatsAppTikTok Manila, Philippines – It will be of interest na ang magkatapat na programa sa primetime ay mga bida na inuulit ang pangalan.It’s Coco Martin versus Ruru Madrid.Hindi ito ang kauna-unahang pagkakataong may head-on collision sina Coco at Ruru.Matatandaang nagsimula ‘yon noong umeere ang FPJ’s Ang Probinsyano kung saan tinapatan ito ng Lolong ni Ruru sa GMA.Parang seesaw noon ang ratings ng dalawang primetime shows.May mga gabing nakakaungos ang AP over Lolong and vice versa.Round 1 lang pala ‘yon dahil sinundan ito ni Coco via Batang Quiapo, another FPJ classic.Tinapatan naman ito ng Black Rider kung saan si Ruru na naman ang bida.Pero sa tanggapin man o hindi ng mga viewers, mas nanaig ang BQ dahil to this day ay umeere pa rin ito.Now comes Round 3 ng salpukang Coco-Ruru.This time, it’s still BQ versus Ruru’s Lolong 2.In fairness, kapwa pinaghandaan ng isa’t isa ang banggaan nila.Pero ang tanong–hanggang kelan masu-sustain ng BQ at Lolong 2 ang kanilang ratings?Alin kaya sa dalawa ang unang mamaalam sa ere?Matira ang matibay sa maigting na bardagulang ito! Ronnie Carrasco III