MANILA, Philippines- Inilipat ng US military ang Typhon launchers nito– kayang maglunsad ng multipurpose missiles hanggang libo-libong kilometro– mula Laoag airfield sa Pilipinas sa panibagong lokasyon sa isla ng Luzon, ayon sa senior Philippine government source.
Kayang tamaan ng Tomahawk cruise missiles sa launchers ang mga target sa China at Russia mula sa Pilipinas; ang SM-6 missiles na karga nito ay kayang tumama sa air o sea targets mahigit 200 km (165 miles) ang layo.
Batay sa senior Philippine government source, makatutulong ang redeployment na matukoy kung saan at gaano kabilis maililipat ang missile battery sa bagong firing position.
Sinabi ng Indo-Pacific Command (INDOPACOM), namamahala sa US forces sa rehiyon, na ang Typhons ay “relocated within the Philippines.” Kapwa tumanggi ang INDOPACOM at ang Philippine government na tukuyin ang partikular na lokasyon kung saan inilipat ang batteries.
“The US government has coordinated closely with the Philippine government on every aspect of the MRC deployment, including the location,” pahayag ni Commander Matthew Comer ng INDOPACOM, tinutukoy ang Typhon sa inisyal ng pormal na pangalan nito, ang Mid Range Capability. RNT/SA