Home NATIONWIDE Coconut industry modernization pinamamadali ni PBBM

Coconut industry modernization pinamamadali ni PBBM

MANILA, Philippines – IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Philippine Coconut Authority (PCA) na mag-isip, bumuo ng isang pangkalahatang plano para sa development at rehabilitasyon ng industriya ng niyog.

Plano kasi ng ahensiya na magsagawa ng malawakang pagtatanim ng niyog at replanting program.

Nakipagpulong ang Pangulo sa mga opisyal ng PCA sa Palasyo ng Malakanyang para pag-usapan ang panukalang Coconut Planting and Replanting Project, layon nito na palakasin ang coconut industry sa pamamagitan ng pagtatanim ng 100 milyong puno mula 2023 hanggang 2028.

“There’s a big opportunity so let’s have a look at that so that we can put — we can show even just for ourselves. Kailangan natin mayroon tayong plano,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa mga opisyal ng PCA.

“Hindi puwedeng basta’t ito gagawa… Kailangan maliwanag ‘yung plano. Tiyakin natin na talagang ginamit natin sa tama,” aniya pa rin.

Binigyang diin din ng Punong Ehekutibo ang kahalagahan ng ‘inputs’ mula sa mga lider ng coconut industry sa pagbuo at pagpapalabas ng general plan para sa sektor.

At hangarin ng pamahalaan na ipatupad ang inisyatiba kahit pa matapos pa ang termino niya (Marcos) bilang Pangulo ng bansa.

“Why will we stop at 2028 because I’m finished? Huwag nating isipin ‘yun. What is the ideal? How many years do we need to take to rehabilitate the coconut industry? Don’t bother with political terms. Kung walang politika, walang change of administration, nakakasiguro kayo tuloy-tuloy, gaano kahaba para malagyan natin ng lahat ng mga bagong puno?” ang naging tanong ng Pangulo.

Sa kabilang dako, para sa coconut planting at replanting project para makakuha ng traksyon, inirekumenda ng PCA ang pagpapalabas ng Memorandum Circular (MC) na magbibigay-atas sa lahat ng concerned national government agencies at instrumentalities at hikayatin ang local government units (LGUs) na mangakong susuportahan ang proyekto.

Sa ilalim ng planting at replanting program, target ng PCA na magtanim ng 20 hanggang 25 milyong puno mula 2023 hanggang 2028, o 100 milyong puno.

At sa pamamagitan ng panukalang MC, nais ng PCA na suportahan ng mga concerned national government agencies ang coconut planting at replanting.

Sa ilalim ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng PCA at coconut-producing provinces at munisipalidad, hihikayatin ang LGUs na magpatupad ng ‘coconut planting at replanting, seed farm development, at coconut fertilization, at iba pang aktibidad.’

Nauna rito, naglunsad ang PCA ng malawakang coconut planting program ‘to address the impact of senilities and the typhoon destruction to the sector.’

Matatandaang, ang huling pagkakataon na nagsagawa ang Pilipinas ng massive coconut planting program ay noong ‘70s o ‘80s.

Bunsod ng limitadong budget, ang napangasiwaan lamang ng ahensiya ay ang magtanim at muling magtanim ng 1 hanggang 3 milyong puno ng niyog, na malayo sa pagtataya na 34 milyong puno na kailangan na muling itanim.

Winika ng PCA, “in order to plant 100 million trees in the next five years, a whole-of-nation approach is needed.”

Sinabi pa ng PCA na kabilang sa mga hamon na hinaharap ng sektor ay ang ‘increasing tree senility, bearing tree losses due to pests and diseases, natural disasters, and climate change impact.’ Kris Jose