MANILA, Philippines – Handang sagutin ng Duterte Youth Partylist ang Commission on Elections (Comelec) kaugnay sa isyu ng paggamit ng apelyidong Cardema ng kanilang first nominee.
Ayon sa kampo ng Duterte Yourth, kanila munang sisilipin ang nilalaman ng letter mula sa Comelec bago sila magbigay ng komento.
Sinabi ni Duterte Youth chairperson Ronald Cardema na handa nilang sagutin ang mga katanungan sa paggamit ng aplyidong Cardema ni Drixie Mae Cardema –ang first nominee ng grupo kahit Suarez umano ang totoo niyang family name.
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, isang liham na lamang ang ipinadala ng law department ng komisyon sa nasabing nominee sa halip na show cause order.
Ito ay para ipaliwanag ang isyu, at hindi nangangahulugang may pormal na kaso laban sa kanila.
Ang Comelec ay nakakalap na rin umano ng mga kinakailangang dokumento para sa malalim at patas na imbestigasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden