Home NATIONWIDE Comelec humiling sa Malakanyang: May 12 gawing holiday

Comelec humiling sa Malakanyang: May 12 gawing holiday

188
0

MANILA, Philippines – Hiniling ng Commission on Elections (Comelec) sa Malakanyang na ideklarang holiday ang May 12, ang araw ng halalan sa buong bansa.

Ito ay upang bigyang pagkakataon ang mga botante na makapili ng kanilang kandidato sa araw ng halalan.

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na para mabigyan din ang mga botante ng pagkakataon at mahikayat na bumoto sa nasabing araw.

Kung idedeklarang holiday ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang naturang petsa ay marami aniya ang mga manggagawa na hindi na iisipin pang magmadali para pumasok sa trabaho.

Nilinaw ni Garcia na kinakailangan ng isang opisyal na deklarasyon o proklamasyon mula sa MalacaƱang o Office of the President upang gawing holiday ang araw ng halalan, gaya ng ginawa sa mga nagdaang eleksyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here