MANILA, Philippines- Kumpiyansa ang Commission on Elections (Comelec) na maabot ang target nitong 1.48 milyong rehistradong botante sa ibang bansa para sa midterm elections sa susunod na taon.
Sa pagbanggit sa huling datos, sinabi ni Comelec chairman George Garcia na mayroong 1.18 milyong Filipino voters sa ibang bansa.
“Sana nga sa announcement na internet voting, from 1.180 million, ma-reach man lang sana namin ang target na 1.486 million na boboto abroad,” ani Garcia.
Ayon sa poll chief, marami pang oras para magparehistro ang mga Pilipino dahil mahigit isang buwan pa ang deadline para sa sign-up period.
Sa unang pagkakataon, gagamitin ng Comelec ang pagboto sa internet sa 76 posts sa Pilipinas sa buong mundo sa darating na botohan.
Bukod sa internet voting, gagamit ang poll body ng automated counting machines para sa 33,328 overseas voters sa 17 posts sa Pilipinas.
Ang paghahain ng mga aplikasyon para sa rehistrasyon ng botante sa ibang bansa ay nagsimula noong Disyembre 9, 2022 at nakatakdang magtapos sa Setyembre 30 ngayong taon. Jocelyn Tabangcura-Domenden