Home NATIONWIDE Comelec: Mock election inilipat sa Jan. 25

Comelec: Mock election inilipat sa Jan. 25

MANILA, Philippines- Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) nitong Miyerkules na ang mock elections ay ni-reset sa Enero 25 kasunod ng temporary restraining order ng Korte Suprema laban sa diskwalipikasyon ng ilang aspirants.

Ayon kay Comelec Chairma George Erwin Garcia, umaasa silang natapos na ang mga babaguhing database election management system at pag-serialize ng mga pangalan ng mga kandidato pati ang pagbabago ng mahigit 1,000 ballot faces sa buong bansa.

Nitong Martes, sinuspinde ng Comelec ang pag-imprenta ng balota matapos maglabas ng desisyon ang Korte Suprema na nagpapatigil sa poll body mula sa diskwalipikasyon ng limang aspirants mula sa 2025 national at local elections.

Bukod sa mga balota at mock elections, gumawa ang Comelec ng mga pagsasaayos sa database ng mga kandidato, election management system (EMS), automated counting machine (ACM), at consolidation and canvassing system (CCS).

Nakabuo ang Comelec ng 1,667 ballot face templates na sumasalamin sa desisyon ng SC, gumawa ng imbentaryo ng lahat ng nakalimbag na balota, at nagsagawa ng pag-aaral kung ang mga pagbabago sa EMS ay nangangailangan ng isa pang Trust Build.

Bukod dito, kinansela rin ng Comelec ang live test para sa pinagkakatiwalaang build ng online voting and counting system (OVCS). Jocelyn Tabangcura-Domenden