Jakarta, Indonesia – Papel bilang Chef Maya ang ginagampanawn ni Julia Barretto sa Viu series na Secret Ingredient.
Ito ang kanyang first ever international film kung saan dalawa ang kanyang leading men: ang South Korean actor na si Lee Sang-heon at Indonesian actor-film producer Nicholas Saputra.
Bumiyahe nga para umattend si Julia ng mediacon nito sa Lotte Mall, Kuningan, South Jakarta.
Only Julia and Nicholas made it to the event.
Nagpadala na lang ng videotaped message si Lee.
At the mediacon, Julia was asked to describe what it was like to work with Nicholas.
Sinagot naman ‘yon ni Julia nang buong katapatan sa wikang Ingles.
Focused daw si Nicholas sa trabaho, professional at seryoso.
Pero ang ikinahanga ng Indonesian press kay Julia ay nang itawid niya ang kanyang pagbati sa Bahasa.
Ang Bahasa ay ang official language sa nasabing Asian country.
Napahanga ang press sa Viva artist dahil halatang inaral nito ang kanyang “home work” bago tumapak sa Indonesian soil.
For sure din daw, Julia would have learned how to speak a little Korean language had the mediacon taken place in SK.
Samantala, bilang paghahanda sa kanyang role, Julia took a short cooking class.
Paghahanda na rin kaya ‘yon pag lumagay na ang aktres sa tahimik bilang Mrs. Gerald Anderson? Ronnie Carrasco III