Home NATIONWIDE Comelec nagbabala vs balota na may ‘secret markings’

Comelec nagbabala vs balota na may ‘secret markings’

Sa presscon na isinagawa ni Comelec Chairman George Erwin Garcia, inilantad niya sa media na ang nasa likod ng mga inilalabas na umano’y pekeng account at dokumento ay nagmula sa foreign company na Jaleo Consulting LLC na pag-aari ng negosyante na si Jose A. Herrera ng Miami, Florida. Crismon Heramis

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Commission on Electiomns(Comelec) laban sa mga mapanlinlang na indibdwal na umano’y nag-aalok ng opisyal na naimprentang balota na may sekretong markings.

Sa isang media briefing, sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na kabilang ito sa mga bagong pamanlinlang na iskema para sa halalng 2025.

Ayon kay Garcia, ang mga naimprentang balota ay may sikretong shade ng balota ng isang kandidato na hihingan ng pera.

“Kasi technically dalawa ang shade — isang invisible shade at saka ‘yung shade na nilagay ng botante.”

Noong Martes, inaresto ng Philippine National Police -Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang tatlong indibidwal na sinasabing mga IT experts na konektado sa Comelec.

Noong Disyembre 2024, nauna nang sinabi ni Garcia na nakatanggap ang Comelec ng ulat ng mga indibidwal na umano’y nag-aalok ng ‘panalo’ para sa darating na halalan kapalit ng pera. Jocelyn Tabangcura-Domenden