MANILA, Philippines – Natanggap ng Commission on Elections (Comelec) ang pangalawang “unqualified opinion” mula sa Commission on Audit (COA).
Nakuha ng Comelec ang pinakamataas na rating ng COA sa loob ng dalawang magkasunod na taon.
Tinanggap ni Comelec Chairman George Garcia ang recognition nitong Lunes, Hunyo 30 na binanggit ang kahalaahgan nito sa poll body.
Iginagawad ng COA ang hindi kwalipikado o hindi binagong opinyon kapag napagpasyahan ng auditor na ang mga pahayag sa pananalapi ay inihanda sa lahat ng materyal na aspeto na sumususnod sa naangkop na balanagkas ng paguulat sa pananalapi.
Binigyang-diin din ni Garcia ang kahalagahan ng transparency at accountability sa maayos na pagdodokumento at pag-uulat ng paggasta ng poll body. Jocelyn Tabangcura-Domenden