Home NATIONWIDE Comelec: Pag-audit sa data center sinimulan na ng international certification entity

Comelec: Pag-audit sa data center sinimulan na ng international certification entity

MANILA, Philippines – Sinimulan ng Commission on Elections at isang international certification entity noong Lunes ang pag-audit ng mga data center na maglalaman ng mga server kung saan ipapadala ang mga resulta ng halalan sa Mayo 2025.

Pinangunahan ng international certification entity na Pro V&V ang pag-audit ng mga data center na naglalaman ng mga server na inilaan para sa media, ang dominanteng mayorya at minoryang partidong pampulitika, at mga kinikilalang mamamayan.

Sinabi ng Comelec na ang audit ay layon na suriin an kahandaan ng pasilidad, access controls at seguridad.

Dumalo si Comelec Chairman George Erwin Garcia sa isinagawang audit gayundin ang kinatawan ng poll watchdogs at Comelec suppliers– ang Miru para sa counting machines at iOne-Adent joint venture para sa transmission.

Sinabi ni Jack Cobb, ang presidente at director ng US based firm Pro V&V, na ang audit ay magsisiguro sa katiyakan ng pagkakapare-pareho ng firmware at mga modelo ng kagamitan na gagamitin para sa mga botohan habang ang pagsusuri sa pagbabantay ay isasagawa sa lalong madaling panahon.

Kumpiyansa naman si Garcia na ang audit sa sistema, na ipinunto na tumutugon ang mga supplier.

Ngayong araw, sinimulan na rin ang pag-imprenta ng mga balota na gagamitin sa May 2025 midterm elections. Jocelyn Tabangcura-Domenden