Home HOME BANNER STORY Comelec sa DA: P20/kg bigas ipatupad pagkatapos ng eleksyon

Comelec sa DA: P20/kg bigas ipatupad pagkatapos ng eleksyon

Umapela ang Commission on Elections (Comelec) sa Department of Agriculture (DA) na pansamantalang itigil ang pagpapatupad ng P20 per kg rice project hanggang matapos ang May 12 elections.

Sinabi ni Comelec Chairperson George Garcia, ito ay upang maiwasan ang akusasyon na ang gobyerno ay ginagamit ang bigas para sa pulitiko, na isinaalang-alang ang nalalapit na midterm polls.

“Our only request is, I know they will be rolling out PHP20 rice tomorrow in the Visayas, I hope that the next rollout will be after the election so that we don’t get accused that rice is being politicized,” sabi ni Garcia.

Noong nakaraang linggo, pinagbigyan ng Comelec ang exemption para sa P20 per kg rice project ng DA mula sa election ban sa ilalim ng Section 261 (V) ng Omnibus Election Code, base sa Comelec Resolution 11060, as amended by Resolution 11118.

Ang proyekto ay nakatakdang ipatupad sa Visayas ngayong May 1, Labor Day.

“The Comelec granted an exemption, proving that the Comelec supports this very well-organized program because our countrymen need assistance in the form of cheaper rice,” sabi ni Garcia.

Aniya, hinihintay nila ang sulat mula sa DA kaugnay sa implementasyon ng P20 per kg rice project.

Sinabi pa ni Garcia na dapat maisumite na ng maaga upang maging malinaw at maiwasan ang kalituhan.

Samantala, sinabi ni Garcia na ang “ayuda” o financial assistance mula sa gobyerno ay ipinagbabawal mula May 2 hanggang 12.

Sabi ni Garcia, ang exempted lamang na ibinibigay ay burial at medical assistance.

Dagdag pa ng poll chief, ay hindi kasama sa ipinagbabawal o ban ang Kadiwa stores. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)