MANILA, Philippines- Sa gitna ng pagtuligsa sa umano’y mga kandidato na sangkot sa iregularidad sa Visayas, muli namang hinikayat ng Commission on Elections ang publiko na magsampa ng reklamo.
Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na sampahan ng reklamo ang sinumang kandidato na sangkot ng pamimili ng boto at iba pang paglabag sa patakaran ukol sa kampanya at eleksyon.
Dahil sa naunang desisyon ng Korte Suprema ay aminado si Garcia na walang premature campaigning pero umaasa silang ito ay mababago pa rin.
Ayon kay Garcia, kailangan lamang aniya na may maghain ng reklamo na aaksyunan ng komisyon at maidudulog sa Korte Suprema.
Sinabi naman ni Comelec official Ernest Maceda na maaari namang magbago ng posisyon ang Supreme Court pero kailangang mayroong isyung maiaakyat para talakayin ng mga mahistrado. Jocelyn Tabangcura-Domenden