Home NATIONWIDE Darryl Yap naglagak ng piyansa sa kasong cyberlibel

Darryl Yap naglagak ng piyansa sa kasong cyberlibel

MANILA, Philippines- Pansamantalang nakalaya ang direktor ng pelikulang “The Rapists of Pepsi Paloma” na si Darryl Yap.

Ito ay matapos makapaghain ng piyansa si Yap sa Muntinlupa RTC branch 203 sa halagang ₱10,000.

Dahil dito, naglabas ng kautusan si Presiding Judge Myra Quiambao na nagbabawi sa e-warrant laban kay Yap.

Itinakda naman ang arraignment at pre-trial conference laban kay Yap sa March 26 ganap na alas-8:30 ng umaga.

Isinampa ng Muntinlupa Prosecutors Office sa Korte ang kasong cyberlibel kaugnay sa inilabas nitong teaser video para i-promote ang kanyang pelikula.

Inireklamo ng aktor na si Vic Sotto si Yap dahil sa paninira umano ng kanyang reputasyon dahil sa pagpapalabas na isa umano siyang rapist.

Kumbinsido ang piskalya na malisyoso ang ipinalabas ni Yap dahilan para malantad si Sotto sa kahihiyan, galit ng publiko at pagkasira ng kanyang reputasyon. Teresa Tavares