Home METRO SK kagawad, 3 pang durugista timbog sa buy-bust

SK kagawad, 3 pang durugista timbog sa buy-bust

Bulacan – Arestado ang apat na hinihinalang tulak kabilang ang isang babaeng SK kagawad matapos umanong mahulihan ng P214,000 halaga ng ilegal na droga sa buy-bust operation ng pulisya sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM).

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina alyas Ej, 23, Mark Zoren, 23, kapwa residente ng Brgy. Muzon South, Vincent, 22 at Neh, 25, SK Kagawad, kapwa residente ng Brgy. Minuyan II.

Sa report ng SJDM police station, ikinasa ang operasyon bandang alas-8:30 ng gabi nitong Marso 19 sa isang gusali sa Brgy. Muzon South.

Nakumpiska sa operasyon ang kabuuang 1,500 gramo na hinihinalang marijuana at limang gramo ng umano’y shabu na aabot sa halagang P214,000.

Sinasabing nasamsam din sa operasyon ang dalawang Ghost electric cigarettes na naglalaman ng marijuana oil, digital weighing scale, coin purse at buy-bust money.

Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa naturang istasyon ng pulisya. Dick Mirasol III