MANILA, Philippines – Hiniling ng Commission on Elections (Comelec) nitong Lunes sa mga movies at television shows na maging maingat sa pagharap sa mga isyu na may kinalaman sa halalan upang hindi maging sanhi ng pagkalat ng maling impormasyon.
Sa isang panayam, sinabi ni Comelec Chairperson George Garcia na may responsibilidad ang mga pelikula at telebisyon na turuan ng maayos ang publiko sa mga isyu.
Sinabi ni Garcia na ang poll body ay “very much willing” na tumulong sa pagtuturo ng mga pelikula at mga producer ng palabas sa telebisyon tungkol sa mga batas sa halalan.
Kasunod ito ng pahiwatig ni election lawyer Romulo Macalintal nitong weekend ang mga factual error tungkol sa napaaga na pangangampanya na ipinakita sa isang episode ng isang sikat na serye sa telebisyon.
Sinabi ni Macalintal na dapat bigyan ng paliwanag ng Comelec ang mga nasa likod ng palabas sa TV tungkol sa mga batas at tuntunin sa halalan.
Sinabi ni Garcia na ang mga kinatawan mula sa palabas ay nakatakdang pumunta sa pangunahing tanggapan ng Comelec sa Maynila sa Huwebes. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)