Home ENTERTAINMENT Fans, pinagbawalan si Alden na magreak sa relasyon Kath-Mark!

Fans, pinagbawalan si Alden na magreak sa relasyon Kath-Mark!

Manila, Philippines – Wala raw sa posisyon si Alden Richards na magbigay ng kahit anong reaksyon sa balitang “taken” na si Kathryn Bernardo.

Ayon na rin ito mismo sa mga tagahanga ng aktor.

Paniniwala ng mga fans: what is there for their idol to react?

In the first place, hindi naman daw directly involved si Alden sa balita.

For the record, it was artist manager cum vlogger Ogie Diaz who broke the news na may nobyo na ang aktres.

Ito’y sa katauhan ni Lucena City Mayor Mark Alcala.

To be fair to Ogie, he merely quoted his source.

Meaning, hindi rin siya 100% sure if Kathryn already has a newfound love.

As for Alden’s fans, anila’y abala ang aktor sa madaming ganap sa kanyang career.

Isa na rito ang pagbubukas ng kanyang ikalawang branch ng isang fast food chain sa Sta. Rosa, Laguna.

On top of this ay ang pagtutok ni Alden sa ipoprodyus na 98 Degrees concert, na tiyak na magugustuhan ng mga “titos at titas” ng mga kabataan.

Hindi nga ba’t mas naka-focus si Alden–hindi sa pakikipagrelasyon, kundi sa pagpapayaman?

So bakit kallangan nga naman niyang mag-react sa Kathryn-Mark “love story”? Ronnie Carrasco III