Home HOME BANNER STORY Comelec: Voter registration, all set na!

Comelec: Voter registration, all set na!

MANILA, Philippines – Inaasahan ng Commission on Elections (Comelec) ang nasa tatlong milyong Filipino na magpaparehistro bilang botante sa buong bansa.

“All systems go na at talaga po magsisimula na ang voters registration come February 12, 2024,” sinabi ni Comelec spokesperson John Rex Laudiangco sa isang panayam.

Lahat ng mga opisina ng Comelec ay magkakaroon ng mga aktibidad upang ipagdiwang ang National Voter’s Day at ipakalat ang voter registration awareness.

Nauna nang sinabi ng Comelec na nasa 170 malls sa buong bansa ang magho-host ng Register Anywhere Project para sa voter registration bago ang 2025 national at local elections.

“Kahit po 17 years old pa lang kayo ngayon, pero by May 12, 2025, o yung second Monday of May po na yan, ay 18 na po kayo, pwede na po kayong magparehistro. At tatanggapin din po namin yung inyong school ID at yung inyong library card. Basta ito, again, meron pong pangalan, pirma, birthday at larawan po ninyo,” ani Laudiangco.

“Kung sakali man pong wala, pwede po kayong kumuha ng barangay certification, basta po yung barangay certification, again, merong pangalan, larawan, merong pirma, at merong address at birthday po ninyo,” dagdag pa niya.

Samantala, nagpaalala ang Comelec na mahaharap sa election offense case na may pagkakulong ng mula isa hanggang tatlong taon ang mapapatunayang sangkot double at multiple registrants.

Tatagal ang voter registration hanggang Setyembre 30, 2024. RNT/JGC

Previous articleNahukay na bangkay sa Davao de Oro landslide, umakyat na sa 27
Next articlePinangyarihan ng landslide, no-build zone – Davao de Oro LGU