Home HOME BANNER STORY Nahukay na bangkay sa Davao de Oro landslide, umakyat na sa 27

Nahukay na bangkay sa Davao de Oro landslide, umakyat na sa 27

MANILA, Philippines – Umakyat na sa 27 ang bilang ng mga nahukay na bangkay sa naganap na landslide sa Maco, Davao de Oro.

Ito ay matapos na makakuha pa ng mas maraming bangkay na natabunan ng lupa nitong Biyernes ng hapon, Pebrero 9.

Ayon sa ulat, sinabi ng provincial government at Maco Municipal Disaster and Risk Reduction Management Office (MDRRMO), na nasa 89 katao pa ang nawawala ang 32 ang sugatan hanggang nitong Pebrero 9.

Kinailangan pang palawigin ang search and rescue operations makaraang may masagip na buhay na batang babae mula sa lupa.

Samantala, ang mga nakukuhang bangkay ay dinadala sa isang punerarya malapit sa bayan ng Mawab kung saan dito isinasagawa ang identification at post mortem stage sa mga biktima.

Ipagpapatuloy ngayong araw ang paghuhukay upang makahanap pa ng mas maraming katawan o posibleng survivor. RNT/JGC

Previous articleAmihan, easterlies magdadala ng mahihinang pag-ulan sa bansa
Next articleComelec: Voter registration, all set na!