Home NATIONWIDE Amihan, easterlies magdadala ng mahihinang pag-ulan sa bansa

Amihan, easterlies magdadala ng mahihinang pag-ulan sa bansa

MANILA, Philippines – Patuloy na makakaapekto sa ilang bahagi ng bansa ang northeast monsoon o amihan at easterlies ngayong Sabado, Pebrero 10.

Ayon sa PAGASA, magkakaroon ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan ang Batanes at Cagayan dahil sa amihan.

Ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, at nalalabing bahagi ng Cagayan Valley ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated light rains dahil din sa amihan.

Habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorm dahil sa easterlies at localized thunderstorm. RNT/JGC

Previous articleBoyet, inisnab ng mga baguhan, bumuwelta!
Next articleNahukay na bangkay sa Davao de Oro landslide, umakyat na sa 27