Home NATIONWIDE Walang tsunami alert sa Pinas kasunod ng lindol sa Bonin Islands sa...

Walang tsunami alert sa Pinas kasunod ng lindol sa Bonin Islands sa Japan

MANILA, Philippines- Hindi nag-isyu ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng tsunami warning kasunod ng magnitude 6.9 na lindol na tumama sa Japan’s Bonin Islands nitong Sabado ng hapon.

”No destructive tsunami threat exists based on available data,” pahayag ng PHIVOLCS.

Naganap ang lindol ng alas-4:35 ng hapon na may lalim na 538 kilometro, anito. RNT/SA