Home ENTERTAINMENT Boyet, inisnab ng mga baguhan, bumuwelta!

Boyet, inisnab ng mga baguhan, bumuwelta!

Manila, Philippines – Hindi exception si Christopher de Leon na nakaranas din ng pang-iisnab mula sa mga baguhang artista na nakatrabaho niya.

Pero kung ang multi-awarded actor ang tatanungin: “For me, it’s not a big deal!”

Iniisip na lang daw ni Boyet (palayaw niya), baka raw kinulang ang mga ito ng pagtuturo ng kanilang mga magulang tungkol sa wastong pakikitungo sa mga artista who came before them.

Hindi man tinukoy ng respetadong aktor kung sino ‘yon at kung anong proyekto niya nakasama, sa isip-isip daw niya ng mga sandaling ‘yon: “Bakit dinadaan-daanan mo lang ako, samantalang mas mahaba ang role ko?!”

Itinuturing nga daw ni Boyet na masuwerte silang mga beteranong artista kumpara sa maraming baguhang nagsulputan.

Paliwanag niya: “Kasi, most of us, galing sa Sampaguita, LVN, tapos, nag-cross over sa Regal, Viva at iba’t ibang film companies, sila ang nag-mold sa amin kung paanong makitungo sa mga kapwa artista lalo na ‘yung mga senior stars. Dapat ‘yung mga baguhan naman, they should learn from us!”

Advantage din daw na hawak sila ng mga manager na nagtuturo sa kanila how to deal with their co-workers.

Natanong kasi si Boyet kung nagkaroon din ng karanasan sa mga baguhan dahil nauusong usapin ito these days.

Junior stars or newbies should keep this in mind.

Hindi lang galing ang puhunan ng isang artista to last long in the business.

Kadalasan nga’y nagiging secondary na lang ito to a star’s attitude towards his co-workers regardless of age.

Balang araw ay tatanda rin sila, at magsisilbing aral ito para ituro sa bagong henerasyon ng mga artista.

These newbies wouldn’t want to be disrespected, would they? Ronnie Carrasco III

Previous articleDirek Joel, nababahala sa mga showbiz death!
Next articleAmihan, easterlies magdadala ng mahihinang pag-ulan sa bansa