Home NATIONWIDE Commander ng Hamas patay sa strike ng Israel sa Gaza

Commander ng Hamas patay sa strike ng Israel sa Gaza

1
0

GAZA – Patay sa airstrike ng Israel ang pinuno ng Hamas armed wing sa hilagang Gaza nitong Martes, Setyembre 29.

Inilarawan ng Hamas ang nasawi na lider sa pag-atake noong Oktubre 7, 2023 na nagpasimula ng giyera sa Gaza.

Ayon sa Israel government, tinarget ng militar at napatay si Izz al-Din Al-Beik, na sangkot umano sa pagplano ng mga pag-atake at pagrecruit ng mga miyembro.

Kinumpirma naman ng Hamas ang pagkamatay nito.

Sa naturang pag-atake ay sinapul ang isang apartment building sa Nasr neighborhood ng Gaza. Mayroong ikalawa pang indibidwal ang nasawi sa pag-atake.

Dalawang magkahiwalay na airstrike din ang inilunsad sa kaparehong araw sa Jabalia refugee camp. Isa ay malapit sa medical clinic at ang isa pa ay sa tent encampment housing para sa mga lumikas na pamilya.

Mayroong tatlong indibidwal ang nasawi rito.

Iniulat ng Israeli military na target ng dalawang strike ang mga militante sa Jabalia. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here