Home NATIONWIDE Conceptual design sa bagong Hall of Justice sa Cebu aprubado na ng...

Conceptual design sa bagong Hall of Justice sa Cebu aprubado na ng SC

437
0
Supreme Court

MANILA, Philippines – Ibinahagi ni Supreme Court Associate Justice Ramon Paul Hernando sa mga hukom ng Cebu City na inaprubahan na ng Supreme Court En banc ang conceptual design para sa bagong itatayong Hall of Justice sa Cebu City sa 2026.

Kasunod ito ng isinagawang ocular inspection matapos ang nangyaring lindol kamakailan na nakaapekto sa lalawigan.

Kabilang sa mga korte na binisita ng SC Oversight Committee ay kinabibilangan ng mga korte na matatagpuan sa Bogo City, Bantayan-Sta. Fe-Madridejos circuit, Medellin-Daanbantayan-San Remegio circuit, Borbon-Tabogon circuit, Argao, at Mandaue City.

Itinaas ng mga hukom ang mga hamon at alalahanin ng kanilang mga korte, lalo na ang mga dulot ng magnitude 6.9 na lindol noong nakaraang buwan.

Samantala, ang pagkuha ng consultancy services para sa Detailed Architectural and Engineering Design ay nagpapatuloy na.

Makikita sa gusali ang Court of Appeals, Visayas Station at first- and second-level trial courts sa Cebu City.

Tiniyak namn ng SC sa Cebu City judges at Court of Appeals Justices ang mabilis na pagsubaybay sa pagtatayo ng bagong Hall of Justice. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here