ILOCOS NORTE- Tigok ang isang 29-anyos na lalaki matapos magbigti sa Laoag City, Ilocos Norte kahapon, Oktubre 22.
Ayon sa pulisya, ang biktima ay isang construction worker, may-asawa, residente ng naturang lungsod.
Bandang 2:35 ng madaling araw, nakita ng isang kamag-anak nito ang Facebook Live ng biktima na may tali sa leeg na nakabitin sa kanilang bahay.
Agad nitong kinontak ang mga iba nilang kamag-anak para ipagbigay-alam ang kanyang nakita sa Facebook Live ng biktima upang mapuntahan nila at mailigtas.
Isinugod ang biktima sa Laoag City General Hospital ngunit idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor.
Sinasabing problema sa pamilya ang rason o motibo ng pagpapakamatay ng biktima. Rolando S. Gamoso