Home METRO Construction worker utas sa saksak ng poreman dahil sa malakas na volume...

Construction worker utas sa saksak ng poreman dahil sa malakas na volume ng speaker

89
0

CAVITE, Philippines – Isang construction worker ang namatay makaraang pagsasaksakin ng kanyang Foreman na nagalit nang pagsabihan na hinaan ang volume ng speaker sa Silang, Cavite, Miyerkules ng gabi.

Ayon sa report, isinugod pa sa Estrella Hospital ang biktima na si alyas Noel, 46, binata ng Brgy Iba, ng nasabing bayan subalit hindi na ito umabot ng buhay dahil  sa tinamong saksak sa sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Kinilala naman ang suspek na si alyas Simeon, Foreman at residente rin sa nasabing lugar.

Batay sa ulat, bandang alas-9:30 kamakalawa ng gabi nang naganap ang insidente  kung saan una dito ay nag-iinuman ang biktima, suspek at ilang kasamahan  sa trabaho sa harapan ng kanilang barracks.

Habang nakaramdam na ng pagkalasing ang biktima kung kaya nagpaalam na matutulog na ito at sinabihan  na kung puwedeng hinaan ang volume ng speaker para hindi siya maabala sa kanyang pagtulog saka pumasok ito sa kuwarto.

Subalit linggid sa kaalaman ng biktima ay  sinundan siya ng kanyang Foreman na nauwi sa pagtatalo hanggang sinundan siya ng mga kasamahan nito sa trabaho upang mamagitan subalit kaagad na sinaksak ang biktima sa  kaliwang braso at tuhod gamit ang ice pick na naiwan  pa na nakatarak sa dibdib ng biktima.

Mabilis na tumakas ang suspek matapos ang insidente. MARGIE BAUTISTA 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here