Home NATIONWIDE Senate probe, ikakasa ni Risa vs ‘preferential treatment’ sa rice imports ng...

Senate probe, ikakasa ni Risa vs ‘preferential treatment’ sa rice imports ng PPI  

77
0

MANILA, Philippines – Ikakasa ni Senador Risa Hontiveros ang malawakang imbestigasyon ng Senado ang “preferential government treatment” at iba pang isyu sa paglobo ng inaangkat na bigas ng kontrobersiyal na Planters Products, Inc. (PPI).

Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Hontiveros na kailangan imbestigahan ng Senado ang kuwestiyonableng pangyayayari sa likod ng paglutang ng PPI bilang top rice importer ng bansa sa kabila nang Pagkakasangkot nito sacrony capitalism at ill-gotten wealth  sa nakalipas.

“Wala pong masama sa importation per se. After a temporary ban, a rebound is expected. But what demands our attention — at dapat nating tutukan — is the sudden and aggressive surge in rice importation by Planters Products, Inc., or PPI,”  ayon kay Hontiveros.

Ayon sa senadora, umangkat ang PPI ng 86,000 metric tons ng bigas sa loob ng isang ataon, na may 73% ng produkto ang dumating nitong Enero 2026 lamang. Aniya, nagpasok ng PPI ng 63,000 metric tons nitong Enero kaya naging top rice importer ang kampanya sa bansa.

Kinuwestiyon ni Hontiveros kung paano nagkaroon ng pondo ang kampanya sa pagbili ng large-scale imports kahit ipinakikita ng financial statements nito na limitado lamang ang puhunan at nalugi pa.

“Based on audited annual financial statements for Fiscal Year 2023-2024 submitted to the SEC in August 2025, PPI had equity of about only P536 million and even reported a net loss. Yet we are told that it mobilized PhP2 billion to finance these imports. Saan nanggaling ang perang ito?” aniya.

Nag-aalala din si Hontiveros sa ibinibigay na posibleng  preferential treatment ng gobyerno sa naturang kampanya. “ PPI has long been controversial due to its links to the fertilizer levy during the first Marcos administration.”

Binanggit niya ang 2008 desisyon ng Supreme Court sa   Planters Products, Inc. vs. Fertiphil Corporation, na nagdedeklarang unconstitutional ang fertilizer levy unconstitutional na pinakinabangan ng pribadong kompnya gamit ang public funds.

“So ano ba talaga ang PPI, private ba o government-owned and controlled corporation? Because if it is private, why does it appear to enjoy preferential treatment in getting the necessary phytosanitary permits from the Bureau of Plant Industry (BPI)?” ani Hontiveros.

Ikinabahala din ni Hontiveros ang kalituhan na nakarating sa dayuhang pamilihan base sa ulat ng Times of India na nagsasabing lumagda ang PPI sa isang kasunduan sa ITelangana Civil Supplies Corporation ng India habang kinakatawan ang  “ Philippine government.”

Lumilitaw, ayon kay Hontiveros, kumikilos ang PPI bilang pribadong kampanya pero epektibong naging  isang government-owned and controlled corporation.

 “What we are seeing bears the familiar and troubling marks of crony capitalism — a system in which proximity to power translates into privilege while many, our farmers and consumers, are left to suffer,” ani Hontiveros.

“Were public funds used and are they now at risk? Were permits hastened and exemptions granted? And ultimately, sino ang tunay na nakikinabang, at sino ang napag-iiwanan? The Filipino people deserve clear answers,” giit ni Hontiveros.  Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here