Home NATIONWIDE Consular, overseas voting mission sa Lahore, Pakistan kinansela – PH embassy

Consular, overseas voting mission sa Lahore, Pakistan kinansela – PH embassy

MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Philippine Embassy sa Islamabad ang kanselasyon ng scheduled consular at overseas voting mission nito sa Lahore dahil sa umiiral na security tensions sa kahabaan ng India-Pakistan border.

Sumiklab ang diplomatic tensions sa pagitan ng dalawang nuclear-armed nations kasunod ng pag-atake sa mga turista sa pinagtatalunang Kashmir region noong nakaraang buwan.

Inakusahan ng India ang Pakistan ng pagkakasangkot sa pag-atake, na itinanggi ng Islamabad. Sinabi ng Pakistan na mayroon itong “credible intelligence” na nais ng India na maglunsad ng military action.

Magho-host sana ang Philippine Honorary Consulate sa Lahore ng consular at overseas voting mission mula noong Mayo 3 hanggang 4, subalit kinansela ito ng embahada sa gitna ng patuloy na Red Alert status sa Punjab at ”heightened security tensions.”

“This decision has been made after careful consideration of the evolving security situation in close coordination with relevant authorities,” pahayag ng embahada.

“The safety and well-being of our nationals remain the embassy’s utmost priority.”

Magkakasa ng supplementary consular mission ngayong taon, base sa embahada, upang matiyak na magkakaroon pa rin ang mga apektadong Pilipino ng access sa mga kinakailang serbisyo sa mas ligtas na kapaligiran. RNT/SA