Home NATIONWIDE Consumers group nanguna sa kampanya vs paninigarilyo 

Consumers group nanguna sa kampanya vs paninigarilyo 

MANILA, Philippines- Pinangunahan ng mga consumer group sa buong mundo ang global campaign para wakasan ang paninigarilyo at ligtas ang buhay ng mga naninigarilyo sa pamamagitan ng paghikayat sa gobyerno na i-adopt ang science-based approach at kilalanin ang smoke-free alternatives bilang mas mabuting kapalit sa ‘combustible cigarettes.’

Sinabi ng mga grupo na sa kabila ng makabuluhang siyentipikong ebidensya na sumusuporta sa pagiging epektibo at kaukulang kaligtasan ng smoke-free products, may ilang mga maimpluwensyang boses ang patuloy na lumilikha ng mga balakid para sa mga mamimili.

Dumalo sa ika-11 Global Forum on Nicotine, sinabi ng mga grupong ito na ang ‘smoke-free alternatives’ gaya ng vapes, heated tobacco, at oral nicotine pouches ay nag-aalok sa mga mamimili ng mas mabuti o mahusay na mga pagpipilian. Ang mga ‘innovative devices’ na ito ay bahagi ng tobacco harm reduction strategy.

Ang THR ay isang public health approach na naglalayong bawasan ang pinsala na dulot ng paninigarilyo, itunuturing na pinakamapanganib mula sa paggamit ng tobako. Hinihikayat nito ang mga naninigarilyo na nais na patuloy na makagamit ng nikotina na lumipat sa smoke-free products.

Sa consumer panel session sa idinaos na GFN sa Warsaw, Poland, mula Hunyo 13 hanggang 15, 2024, tinalakay ng consumer groups ang kanilang mga inisyatiba na naglalayong hikayatin ang mga naninigarilyo na tumigil o lumipat sa mas mainam na alternatibo. Ang kanilang adbokasya ay base sa paniniwala na ang vaping ay maaaring makaligtas ng buhay ng naninigarilyo sa pamamagitan ng pag-alis ng usok sa pagkonsumo ng nikotina.

Mula noong ito’y nag-umpisa, nakatuon ang GFN sa papel o gampanin ng smoke-free alternatives sa pagtulong sa mga tao na tumigil na sa paninigarilyo.

Itinuturo naman ni Carissa Düring, director ng Considerate Pouchers sa Sweden, isang global consumer advocacy group na nagpo-promote ng smoke-free world and consumer rights sa alternatibong nicotine products, ang Sweden bilang matagumpay na halimbawa ng tobacco harm reduction.

Tinuran pa ni Düring na ang tagumpay ng Sweden ay nag-ugat mula sa ‘consumer choice.’

Binigyang-diin naman ni Asa Saligupta, director at founding member ng ENDS Cigarette Smoke Thailand at miyembro ng Parliament’s Committee on Laws and Regulations of E-Cigarettes, ang mga hamon sa Thailand, kung saan ang e-cigarettes ay ipinagbawal sa loob ng 10 taon.

Ani Saligupta, para mabaligtad ang ban, ang ECST, mayroong mahigit na 100,000 miyembro, ginagawa ang lahat para turuan ang publiko at mga tagapagtaguyod hanggang opisyal ng gobyerno.

Ginampanan naman ni Ignacio Leiva, founder at pangulo ng Association of Vaporizer Consumers of Chile at kalihim ng ARDT Iberoamerica, ang mahalagang papel para i-promote ang tobacco harm reduction sa Chile.

Sa katunayan, inorganisa niya ang unang pro-vaping public demonstration sa Latin America at tagapagtaguyod para sa communication campaigns.

Binigyang kredito naman ni Leiva ang GFN na mayroong ’empowering consumer activism’ sa Chile.

Gayunman, winika pa ng consumer groups na patuloy nilang haharapin ang mga hamon kabilang na ang itinuturing na “complex THR environment” sa buong bansa, ang kanilang ekslusyon mula sa policy discussions, at ang naging pagtanggi ng World Health Organization na pakinggan ang kanilang boses.

Madalas, ang mga mamimili ay hindi pinapansin sa mga debate na nagreresulta ng “disproportionate regulations, paghihigpit sa pagbebenta at paggamit at hayagang pagbabawal sa smoke-free product,” ayon sa mga ito. Kris Jose