MANILA, Philippines- Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang online content creator sa Cebu na nagpalabas na itinutulak ni Pangulong Ferdinand Marcos ang legalisasyon ng droga.
Sinabi ng NBI-central Visayas Regional Office na binago ng content creator ang quotes na inilathala ng News5.
Ayon sa NBI, nakilala at naaresto ang uploader ng malisyosong post na sinasabing tatlong taon nang nagba-vlog.
Giit ni NBI Director Jaime Santiago, agad na inaresto ang vlogger upang maging babala sa mga nagpapakalat ng fake news, nag-aalter ng news item na hindi titigil ang ahensya.
Sinabi ni Santiago na iniimbestigahan na rin nila ang iba vlogger, isa rito ay nahaharap sa arrest warrant para sa libel. Jocelyn Tabangcura-Domenden