MANILA, Philippines- Nagsagawa ang Armed Forces of the Philippines (AFP), sa pakikipagtulungan sa United States forces, ng synchronized firepower and rapid response sa high-intensity Counter-landing and Live-Fire Exercise sa Barangay Dodan, Aparri, Cagayan nitong Sabado, sa “Exercise Balikatan 40-25.”
Ipinakita sa drill simulation ang pagkakatukoy ng Amphibious Task Group na kumakatawan sa threat force na tinangkang lumapag sa kahabaan ng northern coastline.
Bilang tugon, nagsagawa ang Philippine-US forces ng coordinated counter-landing operation upang mapigilan silang makapasok sa lugar.
Ginamit ng Philippine Army at ng Philippine Marine Corps ang ilang asset, kabilang ang Sabrah battle tanks, Light Armored Vehicles (LAVs), ATMOS 155mm self-propelled howitzers at karagdagang firepower mula sa 105mm howitzers.
Pinalakas pa ng advanced targeting systems tulad ng Smart Shooter at infantry maneuver elements ang defensive response.
Samantala, nagbigay naman ang US forces ng air at ground support. Kabilang sa key assets ang AH-64 Apache attack helicopters, F-16 aircrafts, at P-8A Poseidon aircraft na nagsasagawa ng maritime surveillance at reconnaissance.
Nagbigay din sila ng real-time targeting sa pamamagitan ng cutting-edge cuing at sensing systems, na may direktang small-arms support.
Kabilang sa mga kalahok na Philippine units ang Philippine Marine Corps, Philippine Army, Special Operations Command, Marine Reservists, at ang Philippine Air Force, na nakipagsanib-pwersa sa counterparts mula sa US Marine Corps, US Army, artillery units, at safety teams. RNT/SA