MANILA, Philippines – Suspendido ang operasyon ng mga korte ngayong araw, Nobyembre 15 bunsod ng nararanasang sama ng panahon dulot ng Typhoon Pepito at Severe Tropical Storm Ofel.
Sa abiso ng Supreme Court (SC) walang pasok ang Regional Trial Court (RTC) Calabanga, Camarines Sur, Branch 63 at municipal trial courts (MTCs) sa ilalim ng hurisdiksyon nito.
Gayundin ang RTC l, MTC at municipal circuit trial courts (MCTCs) sa San Jose, Camarines Sur at Municipal Trial Court in Cities (MTCC) sa Naga City.
Suspendido rin ang operasyon ng RTC Branches at Office Of The Clerk Of Court (OCC) sa Santiago City, Isabela at MCTC Cordon-Dinapigue at Ramon-San Isidro, Isabela, RTC Branch 64 Labo, MTC Labo, MCTC Capalonga-Sta. Elena, MTC Jose Panganiban, MTC Paracale, Camarines Norte, RTC Iriga City, MCTC Nabua-Bato, MTC Buhi, Baao at Balatan, lahat ng korte sa Libmanan Administrative Area at RTC Catarman, Northern Samar.
Una nang sinabi ng PAGASA na isa nang
Severe Tropical Storm ang Pepito bago pa man ito bumagsak sa kalupaan habang ang
Typhoon Ofel ay humina na at naging severe tropical storm. TERESA TAVARES