Home METRO COVID-19 positivity rate sa Metro Manila, bumaba sa 4.9% – OCTA

COVID-19 positivity rate sa Metro Manila, bumaba sa 4.9% – OCTA

MANILA, Philippines- Sumadsad ang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR) sa 4.9 porsyento hanggang nitong July 1, ayon kay Octa Research fellow David Guido.

Sa Twitter post nitong Linggo ng gabi, sinabi ni David na bumaba ang rate sa Metro Manila mula 5 porsyento noong June 30 sa 4.9 porsyento nitong Linggo.

Gayundin, bumaba sa 5 porsyento ang positivity rates sa Laguna at Rizal, habang naobserbahan sa 12 pang lalawigan ang pagbaba sa rates.

Kabilang dito ang Bataan sa 20.3 porsyento; Bulacan (5.5 porsyento); Cagayan (15.3 porsyento); Camarines Sur (14.5 porsyento); Cavite (6.6 porsyento); Isabela (29.4 porsyento); La Union (9.7 porsyento); Oriental Mindoro (5.3 porsyento); Pampanga (14.2 porsyento); Pangasinan (15.4 porsyento); Quezon (5.7 porsyento); at Zambales (6 porsyento).

Sa kabilang banda, tumaas ang positivity rates sa Batangas (5.6 porsyento), Benguet (15.4porsyento), Palawan (13.3 porsyento), at Tarlac (15.5 porsyento).

Samantala, bumaba rin ang COVID-19 positivity rate nationwide mula 6.9 porsyento noong July 1 sa 6.7 porsyento nitong Linggo.

Batay sa pinakabagong datos ng Department of Health (DOH), sinabi ni David na mayroong 423 bagong kaso sa buong bansa, kung saan 90 kaso ang mula sa NCR.

Sinabi ni David na batay sa DOH figures, posibleng makapagtala ngayong Lunes ng 250 hanggang 350 bagong COVID-19 cases.

Hanggang nitong July 2, ang total caseload sa bansa ay 4,165,400. Sa bilang na ito, 6,925 ang active cases, 4,092,090 ang gumaling, at 66,484 ang pumanaw, base sa DOH. RNT/SA