Home ENTERTAINMENT Piolo, gaganap na serial killer, nagdasal na huwag sapian!

Piolo, gaganap na serial killer, nagdasal na huwag sapian!

Manila, Philippines – Ang sapian ng gagampanan niyang karakter ang gustong mangyari ni Piolo Pascual, at hindi lukuban ng mismong demonyo.

Ito ang pabirong sabi ng aktor who’s excited to appear in an MMFF hopeful entry na Mallari.

Papel na pari na first documented serial killer in the Philippines ang role ni Piolo.

Aminado ang aktor na tinabla niya ang proyekto when it was first pitched to him.

But after doing his own research, nag-iba ang kanyang pananaw.

In the film, tatlong karakter ang bibigyang buhay ni Piolo in three different periods.

Bukod sa historical ay may supernatural element daw ito.

Kaya ang wish ni Piolo who hasn’t had any encounter with the supernatural: “Sana huwag ako ma-possess.”

Since pari ang kanyang role, he was asked if there ever was a point in his life that he wanted to become a priest.

Sagot ni Piolo: oo at dalawang beses pa.

Una raw ay noong Catholic pa siya.

But he was told to go back to college and take up a course in priesthood.

Ikalawa ay noong naging Christian na siya kung saan he shifted his dream into becoming a pastor.

Again, he was advised against it dahil bilang artista naman daw ay mapalalaganap niya ang salita ng Diyos through other platforms. Ronnie Carrasco III