Home NATIONWIDE CPA, abogado tiklo sa serial child exploitation sa Zamboanga

CPA, abogado tiklo sa serial child exploitation sa Zamboanga

MANILA, Philippines – Inaresto ng mga otoridad ang isang indibidwal sa Zamboanga City dahil sa umano’y sexual exploitation of children.

Ayon sa Department of Justice (DOJ), ang nabanggit na indibidwal na isang certified public accountant, abugado at realtor ay dinakip sa pamamagitan ng joint operation.

Nasagip din sa naturang operasyon ang tatlong menor de edad.

Ang mga menor de edad ay nasa kustodiya na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Samantala, binanggit ng mga otoridad na mayroon pa na anim na biktima umano na nakaranas ng sexual abuse sa kamay ng suspek.

Batay sa mga nakumpiskang gamit, posible umano na nagsimula ang exploitation sa mga bata noong 2012 habang ang kanyang koleksyon at production ng child abuse materials ay maaaring nagsimula pa noong 2002.

Nahaharap ang hindi pinangalanan na suspek sa mga kasong Anti-Trafficking in Persons Act, Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC) at Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (CSAEM) Act, at Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.

Kasalukuyang nakakulong sa National Bureau of Investigation-Western Mindanao Regional Office detention facility ang suspek. TERESA TAVARES