
MULING ipinapaalala na ang lahat ng mga miyembro ng PhilHealth ay maaaring maka-avail ng Outpatient Emergency Care Benefit (OECB) Package sa lahat ng Levels 1 to 3 na PhilHealth-accredited hospital mula pa noong Pebrero 14, 2025.
Inuulit din ang paglilinaw sa PhilHealth Advisory No. 2025-0009, na nilagdaan noon ding Pebrero 14, 2025, na hindi kinakailangan ng hiwalay pang accreditation para maihatid ang OECB Package dahil ang kakayahan ng Health Facilities para sa benepisyong ito ay kasama nang nasuri noong sila ay nabigyan ng PhilHealth accreditation.
Karamihan sa mga pasyente may malalang sakit o mga naaksidente, itinatakbo sa emergency room. Dati-rati, hindi sinasagot ng ng Philippine Health Insurance Corporation (PHILHEALTH) kung hindi lumagpas ng 24 hours.
Epektibo Pebrero 14, 2025, sasagutin ng PHILHEALTH ang lahat ng outpatient emergency cases sa mga akreditadong ospital na may antas 1 hanggang 3 sa buong bansa na naging at bahagi ng facility-based emergency (FBE) benefit.
Ang mga ospital na may extension facilities ay kailangang magsumite sa kanilang respective PHILHEALTH Regional Offices ng sertipikasyon na naglalaman ng pangalan ng kaakibat na extension facility at ang kumpletong address nito.
Ang outpatient emergency care benefit ay ipinakilala ng state health insurer noong Enero 2025 bilang bahagi ng bago at pinalawak na benefit packages, saklaw nito ang komprehensibong serbisyong pang-emergency na may dalawang pangunahing bahagi: ang facility-based emergency at pre-hospital emergency benefits.
Kasama rito ang mahahalagang serbisyong pang-emergency sa mga akreditadong emergency department ng ospital pati na rin ang emergency transport services para sa mga kasong hindi kailangang ma-confine sa ospital at maaaring ma-avail sa Outpatient Emergency Care Benefit (OECB) accredited facilities.
Maaaring dumulog ang mga miyembrong hindi nakatanggap ng OECB sa PhilHealth 24/7 touch points: (02) 866-225-88; mobile numbers 0998-857-2957, 0968-865-4670, 0917-1275987 or 0917-1109812.