Home SPORTS Creamline kampeon sa PVL, Akari winalis sa 3 sets

Creamline kampeon sa PVL, Akari winalis sa 3 sets

MANILA, Philippines – Wala pa ring tatalo sa kasikatan at husay ng Creamline Cool Smashers matapos nitong sungkitin ang kampeonato sa Premier Volleyball League Reinforced Conference .

Walang mga star players, pero hindi problema para sa Creamline kung saan ipinamalas nila ang kanilang husay at winalis sa 3 sets ang Akari Chargers sa winner take-all finals ng PVL na ginawa sa Philsports Arena.

Nanalo ang Creamline kontra Akari sa iskor na 25-15, 25-23, 25-17, upang iuwi ang record na ikasiyam na kampeonato sa liga.

Ito ang  kauna-unahang pagkakataon sa kanilang pitong taon ng pananalasa, nasungkit ng Cool Smashers ang korona ng PVL nang hindi naglalaro o  wala ang kanilang pangunahing players na sina MVPs Alyssa Valdez, Tots Carlos, Jema Galanza at Jia de Guzman na may mga pinsala at ang iba ay may national team duty o naglalaro sa  ibang bansa.

Ito ang kanilang ika-16 na podium at ika-12 na finals appearance, ang parehong lumang kuwento ay isinulat mismo para sa isang Creamline side na tumangging bitawan ang trono bilang pinakadakilang club team ng Philippine volleyball.

Hinirang namang MVP of the Conference si Bernadeth Pons ng Creamline dahil sa ipinakita nitong mataas na standard na paglalaro sa panalo kontra  Chargers.