Home METRO P6.8M tobats nasamsam ng PDEA Region 4A

P6.8M tobats nasamsam ng PDEA Region 4A

MANILA, Philippines- Nasa P6.8 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasasam ng Provincial Drug Enforcement agency (PDEA) Region 4A na nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawang hinihinalang tulak na nasa listahan ng High Value Individual (HVI) sa magkasunod na buy-bust operation sa Cavite at Paranaque City.

Kinilala ang naaresto sa Imus City, Cavite na si Rashid Cabili y Macud, alyas Ali, 38, isang tricycle driver ng Carlos Palanca St., Quiapo, Manila at Rommel Angeles y Namil, 44, ng Franco St., Lower Bicutan, Taguig City na nadakip sa Paranaque City.

Sa ulat, bandang alas-7:45 kamakalawa ng gabi nang nagsagawa ng buy-bust operation ang PDEA Regional Office 4A, Police Provincial Office (PPO) at Drug Enorcement Unit ng Imus Component City Police Sa Alfamart LT-A, Pasong Buaya II, Imus City, Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto kay Cabili.

Nakumpiska sa suspek ang tinatayang nasa 500 gramo ng hinihinalang shabu na may standard value na P3,400,000, cellular phone, camouflage backpack, paper bag at buy-bust money.

Una rito ay nagagsawa ng buy-bust operation ang PDEA RO 4A sa parking area ng SM Bicutan Bldg. B sa Brgy. Don Bosco, Paranaque City bandang alas-11 ng umaga kung saan naaresto si Angeles at narekober sa kanya ang tinatayang 500 gramo ng hinihinalang shabu na may standard value na P3,400,000, cellphone, mga susi at isang kulay orange na Honda Click na may plakang 1336-0564220.

Nahaharap sa kasong RA 9165 ang dalawang naarestong tulak na nasa kustodiya ng PDEA 4A. Margie Bautista