Home NATIONWIDE Culture of corruption, dapat nang wakasan – Cayetano

Culture of corruption, dapat nang wakasan – Cayetano

1
0

MANILA, Philippines – Hindi lang dapat habulin ang mga tiwaling opisyal – dapat ding wakasan ang mismong kultura ng korapsyon sa bansa.

Ito ang iginiit ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa kanyang Kontra-SONA nitong Martes, Hulyo 28, kung saan sinabi niyang hindi matatapos ang problema sa katiwalian kung hindi mababago ang nakasanayang sistema.

“We have to address corruption. But we have to address [also] the culture of corruption,” sabi ng Minority Leader.

Ayon kay Cayetano, nagsisimula ang katiwalian sa maliliit na maling gawain na kalaunan ay nagiging normal sa lipunan.

“Sasabihin natin huwag magnakaw sa flood control pero ina-address ba natin yung simpleng pagsisinungaling sa araw-araw? Ina-address ba natin na sa bawat kailangan ng Pilipino [tulad ng pagkuha ng] lisensya, business permit, real property tax, customs, ay may lagayan?” sabi niya.

Sinabi rin niya na hindi sapat na mahuli lamang ang mga sangkot sa iba’t ibang scam kung hindi rin mababago ang ugat ng problema.

“The culture of corruption continues to lay hold, [and] I believe there’s a spiritual aspect to that battle,” wika niya.

Binalikan din ni Cayetano ang usapin ng umano’y iregularidad sa mga flood control project na una ring tinalakay sa SONA ni President Ferdinand Marcos Jr.

Wika ng senador, mahalagang maibalik ang tiwala ng publiko sa pamahalaan sa pamamagitan ng tunay na reporma at pagpapanagot sa mga may sala.

“Importante [na] ma-resolve yan. Importante [na] malaman ng taong bayan y’ung nangyayari, [Dapat malaman nila kung] ano ang ginagawa, ano ang pwedeng gawin, anong reporma ang pwede,” sabi niya.

“Dapat kasi bumalik ang tiwala sa leaders at sistema. ‘Pag y’an ay hindi binanggit at hindi inayos, lahat ay suspect [sa korapsyon,]” dagdag niya.

Binigyang diin din ni Cayetano na walang bansang umasenso nang hindi nilabanan ang korapsyon.

“Walang bansa sa mundo nang hindi dumaan sa korapsyon. At walang bansa na umunlad na hindi, kahit papaano, na-address ang korapsyon,” aniya. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here