MANILA, Philippines- Inatasan ni Gen. Rommel Francisco Marbil, pinuno ng Philippine National Police (PNP), ang lahat ng units na paigtingin ang kanilang cybersecurity measures matapos umanong makompromiso ang Logistics Data Information and Management System ng kapulisan na nakaantala sa operasyon nito.
Inihayag ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo na partikular na ipinag-utos ni Marbil sa unit heads na palakasin ang seguridad ng lahat ng online system upang maiwasang maulit ang data breach na umano’y kinabibilangan ng database sample ng personal information ng PNP personnel.
“Aside from the logistics system, the PNP has been maintaining data system, most of them are vulnerable to attacks. So our Chief PNP said that we should always make sure that the PNP is ready to any kind of cyber attacks,” wika ni Fajardo.
Sa kasalukuyan, sinabi ni Fajardo na iniimbestigahan ng PNP Anti-Cybercrime Group ang data breach.
Ukol naman sa sistemang na-hack, sinabi niyang base sa initial assessment, maayos naman umano ang kondisyon nito.
“But it remains shutdown as we speak because the ACG is conducting assessment and necessary steps to mitigate the breach so as not to further the damage,” ani Fajardo.
“As to the possibility that data were compromised, we cannot say at this time because our IT experts are extracting information from the server logs and are conducting digitl forensics to determine the possible origin,” dagdag niya.
Ilang government agencies na ang na-hack sa nakalipas na mga taon, dahilan upang ipag-utos ng liderato ng PNP noong nakaraang taon na paigtingin ang cybersecurity measures. RNT/SA