Home NATIONWIDE DA nag-isyu ng temporary ban sa pag-aangkat ng baka, kalabaw mula France...

DA nag-isyu ng temporary ban sa pag-aangkat ng baka, kalabaw mula France at Italy

281
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Department of Agriculture (DA) nitong Linggo, Agosto 10 ang temporary ban sa pag-aangkat ng buhay na baka at kalabaw mula sa France at Italy, kasunod ng kumpirmadong outbreak ng Lumpy Skin Disease (LSD), isang nakahahawang sakit na nagdudulot ng lagnat at problema sa balat ng nahawaang hayop.

Sinabi ng DA na sakop ng ban ang mga produkto at byproducts, kabilang ang embryos at mga semilya, na nakasaad sa Memorandum Orders 43 at 44 na pirmado noong Agosto 1, 2025.

Hindi naman kasama sa import ban ang mga salt-treated, o mga sumailalim sa ante- at post-mortem, meal at flour mula sa dugo, karne ‘other than skeletal muscle o mga buto; casings, gelatine at collagen, tallow, hooves at sungay; mga gatas at milk products na sumailalim sa pasteurization.

“The import restriction will remain in effect until further notice, pending developments in containment and eradication efforts in the affected countries,” sinabi pa sa abiso.

Ang LSD ay karaniwang ikinakalat ng blood-feeding insects katulad ng langaw, lamok at garapata.

Bagamat hindi ito nakamamatay, nababawasan naman ang produksyon ng gatas, timbang at may hindi magandang epekto sa kalakalan ng mga baka at kalabaw.

Ang ban ay kasunod ng pag-ulat ng Italy ng outbreak sa Orani, Nuoro, Sardegna noong Hulyo 18 na kinumpirma ng National Reference Centre for Exotic Animal Diseases.

Nakapag-ulat din ang France ng outbreak sa Chambéry noong Hunyo 23 na kinumpirma ng French veterinary office. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here