MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong Linggo, Agosto 10 na nakapagtala ito ng pagtaas sa real-time seismic energy measurement (RSAM) mula sa Bulkang Taal mula Sabado.
Sa abiso, sinabi ng PHIVOLCS na ang 19 volcanic tremors ay naitala sa Taal Volcano Network mula noong Sabado, Agosto 9.
Idinagdag pa ng ahensya na ang increased seismic energy ay sinabayan ng moderate to voluminous plume mula sa Taal Main Crater.
Naitala naman noong Biyernes sa Taal Volcano ang average na 374 tonnes ng sulfur dioxide kada araw.
“These sharp increases in RSAM and vigorous steaming from the Main Crater may lead to a phreatic or even a minor phreatomagmatic eruption,” ayon sa PHIVOLCS.
Kasalukuyang nasa Alert Level 1 ang Bulkang Taal. RNT/JGC