MANILA, Philippines- Naghihintay pa rin ang Department of Agriculture (DA) ng guidance mula Commission on Elections (Comelec) upang maikasa na ang pilot launch ng P20-per-kilo rice bago matapos ang linggo.
Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr., habang ang P20-per-kilo project ng DA ay hindi isinama ng Comelec mula sa election spending ban, kailangan din ang local government units (LGUs), bahagyang i-subsidize ang proyekto na makakuha rin ng exemption.
“We have to wait for Comelec approval or clarification… Kung hindi talaga pwede ito, susunod tayo sa Comelec at uumpisahan ang bentahan matapos ang halalan, but of course, we’re requesting the Comelec to grant this para ma-start na ‘ho at makinabang ang consumers,” ang sinabi ni Tiu-Laurel.
Sa ilalim ng planned pilot, ang P20-per-kilo rice ay paunang available sa Regions VI (Western Visayas), VII (Central Visayas), VIII (Eastern Visayas), at Negros Island dahil sa mataas na poverty incidence at sapat na stocks sa lugar.
Sa pagtataya ng DA , mayroong 800,000 pamilya o 4 milyong indibidwal sa pilot areas na makikinabang mula sa murang bigas.
Nito lamang weekend, sinabi ng DA na ipinag-utos na nito sa NFA na simulan na ang paglilipat ng rice stocks sa Visayas region bilang paghahanda sa paglulunsad ng P20-per-kilo rice program, itinuturing na campaign promise ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa panahon ng 2022 elections.
Sa kabilang dako, maliban sa pakikipagtuwang sa local government units, nauna nang sinabi ng DA na ang P20-per-kilo rice ay magiging available sa KADIWA o Katuwang sa Diwa at Gawa para sa Masaganing Ani at Mataas na Kita Centers simula sa May 2.
Tinuran pa ni Tiu Laurel na target ng DA na palawakin ang sakop ng programa sa Enero 2026.
“Ang target namin is 2026, maybe January. There are so many things to do. First of all, we need the right data. We need to experience, at least for six months, kung paano patakbuhin ito. Maraming factors eh,” ang sinabi ng Kalihim.
“Of course there is clamor. To try to implement it (nationwide) by January is actually not too easy to do, but we will endeavor our best to achieve that target,” dagdag niya.
Ipinag-utos na ni Tiu Laurel ang paglikha ng isang software system para sa proyekto at nagpahiwatig ng posibilidad ng pagpapalabas ng card para sa bawat indibidwal na bibili ng P20-per-kilo rice.
“Latest data available from the DA’s price monitoring show that prices of rice in Metro Manila markets ranged from P39.99 to P58.17 per kilo from April 21 to April 24, 2025, depending on the variety,” ayon sa ulat.
Para sa national government, winika ni Tiu Laurel na popondohan ito ng P5-billion contingency fund mula sa Office of the President (OP), na amy P4.5 billion para sa pagkuha ng bigas at P500 million para sa logistics. Kris Jose