Home HOME BANNER STORY Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo nakaamba sa sunod na linggo

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo nakaamba sa sunod na linggo

MANILA, Philippines- Asahan na ng mga motorista ang paggalaw sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Sa fuel price forecast para sa March 19 to 25 trading week, sinabi ng Unioil Petroleum Philippines na narito ang estimated adjustments sa fuel products:

  • Diesel: Karagdagang P0.10 hanggang P0.20 kada litro

  • Gasolina: P0.10 hanggang P0.20 bawas kada litro

Nauna nang sinabi ng Energy Department, batay sa industry estimates, na hindi pa tiyak ang rollback sa susunod na linggo dahil sa ilang salik na nakaaapekto sa petroleum trading sa international market.

Regular na inaanunsyo ng oil companies ang price adjustments tuwing Lunes na ipatutupad naman kinabukasan. RNT/SA

Previous articleDENR: Mga resort na itinayo sa Chocolate Hills bubusisiin
Next articleEx-BuCor exec Zulueta pumanaw na