Home NATIONWIDE Visayas Grid isinailalim sa yellow alert

Visayas Grid isinailalim sa yellow alert

MANILA, Philipines- Isinailalim ang Visayas Grid sa yellow alert status sa ika-limang sunod na pagkakataon ngayong Biyernes, ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Sinabi ng NGCP na 24 power plants ang nananatili sa forced outage.

Sa abiso kaninang alas-2:45 ng hapon, sinabi ng NGCP na paiiralin ang yellow alert sa pagitan ng alas-3 hanggang alas-4 ng hapon at alas-6 ng hapon hanggang alas-9 ng gabi, na nagpapahiwatig na hindi sapat ang operating margin upang tugunan ang contingency requirement ng transmission grid.

Ang available capacity ng grid ay nasa 2,883 megawatts, subalit ng peak demand ay aabot sa 2,568 megawatts. RNT/SA