Home NATIONWIDE Dagdag P1K honoraria para sa May 12 poll workers ‘di pa rin...

Dagdag P1K honoraria para sa May 12 poll workers ‘di pa rin natatanggap

214
0

MANILA, Philippines- Pinalilinaw ng teachers’ group sa Commission on Elections (Comelec) nitong Biyernes ang tungkol sa karagdagang P1,000 honoraria na ipinangako para sa mga nagsilbi sa May 12 elections.

“Maraming nagtatanong kung nasaan na itong additional P1, 000 sa honoraria nung mga nagsilbi nung halalan, wala pang opisyal na sagot o pahayag ang Comelec ngayon gayong matagal na itong inanunsiyo ng Malacanang,” pahayag ni Teachers’ Dignity Coalition (TDC) National Chairperson Benjo Basas.

“Halos dalawang linggo na mula nang kinumpirma ng DBM na released na sa Comelec ang pondo, ngunit wala pa ni isang guro ang nag-ulat sa amin na nakatanggap na ng additional P1,000,” giit ni Basas.

“Nauunawaan naman namin na ito ay hindi talaga maisasabay sa honoraria dahil ito naman ay karagdagan,” dagdag niya.

“Isa pang gusto naming maiklaro ay kung bubuwisan pa rin ba ito ng 15 percent, kagaya ng nauna.”

Nanawagan ang TDC sa Comelec na magpalabas ng pormal na abiso ukol sa mga katanungang ito at tiyaking matatanggap agad ng lahat ng poll workers ang kanilang karagdagang kompensasyon. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here